NANG DAHIL SA ALAMAT NA’TO?

(Photo credits to the owner – hatawtabloid.com)

hatawtabloid

Let me tell you a story.

Sa isang liblib na lugar sa Isla Dohat, may munting tahanan na nakatayo malapit sa dalampasigang nakaharap sa Karagatang Pasipiko sa bahaging Timog-Silangang Mindanao.  Dito nakatira ang mag-asawang Dominga at Conrado.

Tahimik, mapayapa at puno ng pagmamahal ang buhay ng magkasing-edad na mag-asawa, kung saan ay siyam na buwang buntis si Dominga.  Mayroon silang munting hardin ng gulay at taniman ng mais, kamote at saging saba.  Dahil malapit sa dagat, pangunahing pangkabuhayan ng pamilya ang pangingisda ni Conrado at ang mga huli nitong isda ay ibinibenta niya sa Bayan.  Sapagkat kabuwanan na ni Dominga, pilit na nag-iipon si Conrado para sa panganganak ng asawa.

Lingid sa kaalaman ng dalawa, ang islang kanilang tinawag na tahanan ay may nagmamay-aring diwata.  Isang napakagandang dyosa na suot ang puting bistida at koronang bulaklak.  Dahil ayaw ng mahiwagang nilalang na maabala ang matiwasay na buhay ng mag-asa ay ni minsa’y di ito nagpapakita.  Masaya naman ang dyosa sa dalawa dahil inaalagaan nito ang isla.  Sa kanyang kahari-an ay tinatawag siyang Reyna Ovyalah.

Isang umaga, kahit umaambon at may kalakasan ang hangin, nagpaalam si Conrado upang mangisda habang si Dominga nama’y naiwan sa bahay.

Hanggang dapit hapon na’y nasa laot pa rin si Conrado at sa di inaasahang pangyayari ay lumakas nang tuluyan ang hangin.  Sa kasawi-ang palad ay tumaob ang bangka at tuluyang nalunod si Conrado hanggat di na ito naka-ahon.  Habang nangyayari ang kalunos-lunos na sinapit ni Conrado ay sabay na inabutan si Dominga sa kanyang panganganak.  Dahil walang ibang tao sa isla, pilit niyang iniluwal ang bata mula sa kanyang sinapupunan.  Matagumpay niyang nailabas ang isang napakakinis at napakalusog na batang lalaki.  Ngunit dahil sa matagal at mahirap na dinaanan mula nang unang sumakit ang tiyan ay naubusan ito ng tubig, nanghihina hanggang sa nalagutan ito ng hininga.  Sa awa ng Diyos, buhay at nag-iisang umiiyak ang bata sa kalagitnaan ng napakatahimik na isla.

Narinig ni Reyna Ovyalah ang napakaingay na hiyaw ng bata.  Pinuntahan niya ito at nakita ang masamang pangyayari.  Dala ng lungkot at awa ay ginamit nito ang di pangkaraniwang kapangyarihang mailibing si Dominga gamit ang mahiwagang sing-sing na nasa kanyang hinlalaking kaliwang daliri.  Pagkatapos ay kinuha niya ang bata at dinala sa kanyang kahari-an upang maalagaan.

Lumaki ang bata sa piling ng diwata.  Sa pangalaga ng dyosa, mayroon siyang napapansing kakaiba at bukod-tanging angking katalinuhan ang bata.  Habang minamasdan at pinagtutuonan niya ito ng atensiyon, paulit-ulit niyang nasaisip na ipapadala niya ito sa lahat ng paaralan ng high school sa buong kapulu-an ng Pilipinas, sa tamang panahon.

Ayon sa tradisyon at alituntunin ng kahari-an, ang mga bata ay mabigyan lamang ng pangalan kung ito’y nasa anim na taong gulang na sa pamamagitan ng isang engrandeng seremonya at idedeklara ng dyosa ang pangalan at misyon nito sa buhay.  Nang palapit na nang palapit ang ika anim na kaarawan ng bata, napagpasyahan ng dyosa na ipangalan ito sa pinagsamang pangalan ng kanyang mga magulang na sina Conrado at Dominga.

At nang dumating na ang pinakahihintay na araw, sa kalagitnaan ng seremonya ay buong husay na ipinahayag ni Raynang Ovyalah ang kanyang deklarasyon “Mula ngayon ay tatawagin ka sa pangalang CONDOM at gamit ang aking kapangyarihan ay ipapadala kita sa lahat nang paaralan ng high school sa buong kapulu-an ng Pilipinas, sa tamang panahon”.

At sila’y namuhay ng tahimik at mapayapang naghintay sa “tamang panahon”.

Is now, I mean now, maybe, I said maybe is the right time after the long wait?

The Department of Health (DOH) have extensively campaigning of the program of distributing condoms to high school students. Whether or not it is coincidentally related to the above legend/folklore, or a part and parcel of a bigger structural adjustment commitment made by the government, or plain and simple milestone resulted from the brain-child to advance reproductive health, some questions are needed to be answered.

Is it necessary?

Is it relevant?

Is it practical?

Is it timely?

Or are the teachers and high school students ready for this?

Think before you click, “the cold never bothered me, anyway”, as the sound tract of the movie Frozen goes.

Wika nga ng kaibigan kong si Colalho na kasali Samahan ng mga Usapang Barberong Pilosopong Tasyo “Eh kaya pala di mapiligilan ang mga taga DOHat, nakasulat pala ito sa alamat”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s